Pag-ibig Symbianize
Saturday, December 17, 2011
|
Naghanap ako ng libangan
iba ang aking natagpuan .
Ang Symbianize ay higit pa sa hinahanap ko .
Hinanap ko dito ang aking sarili ,
hinanap ko ang mga kawalan at kahinaan ko.
noong mga panahon tambay ako sa langsangan at sakit sa ulo ng tahanan.
Mangmang ! hehe oo nga , Ako nga yun (dati - pabayaan mo akong magpatuloy) . Sa kababasa ko ng kung anu-ano sa mundo ng makabagong teknolohiya ukol sa cellphone .
Nahagilap ko sa isang palakaibigang site at nabanggit ay www.symbianice.com ,
napadpad ako sa ibang networking site , at may bulong bulungan parin sa kanya.
Anu bang meron sa dako pa roon?
- dedma lang , wala tayong alam jan.
Nakukulitan na ako sa animoy parang pa ulit - ulit na pagkakabasa ko ng pangalan nya.
May libre na rin namang ganto' ganun noon eh , alingaw-ngaw kahit sa labas ay nakakabingi na paano kaya kung lapitan ko na sya.
Matapos ang ilang buwan ng pagiging outsider ko sa symb , naawa ata ang nasa itaas at naging newcomer ako ,
mahirap aminin , ngunit pinagdaanan ko ang butas ng karayom ni 45secs.
"Pasensya ka na mahal ko . Lumang telepono lang kasi ang gamit ko."
Ngayon nandito na ako , wala ng atrasan ito . . .
Ikinagulat ko ang lawak ng impormasyong nakapaloob sa kanya .
Halos hindi ko malaman kung saan dapat maghukay ng taniman .
Aanihing binhi ng karunungan na sadyang pipitasin mo na lang kung ikay matyagang magbabasa.
LQ ? ? ?
Nainggit din ako sa iba ,
kakaibang mga kulay nila .
Nabaduyan din ako minsan sa tatay nya at nakaaway ko yung mga utol nya . . .
Nagdaan ang panahon , abat teka rumanggo ako (wow newbie haha)
tumulad ako sa pagtulong ngunit hindi naging mahinahon .
Kapabayaan nagdulot sa pamumula ng inyong abang lingkod.
Tinanggap ko naman ang pagkakamali ko , aral na rin sakin yun .
"Salamat sa mga nauna kong kaibigan jan sa symbianize.com"
At dahil napalapit kana sa akin , nakaraan ko ay dapat ng lisanin.
Pagbugso sa ikalawang pagkakataon
(much sweeter nga daw sa second time around hihi)
Wag ka muna kiligin , gusto ko man ilahad ang lahat , Baka sa ikalawang bersikulo nalang nitong aking naisulat. Kung gusto mo naman akong
sundan - siguro naman alam mo na ang daan.
Alam naman nyang mahal ko sya .
Bakit ko sya iiwan ? Dibat para kami sa isat isa.
Natuwa ako ng makilala ko mga pinsan nya.
Marami akong nagastos este napuntos pala . Madalas pa nga eh sa gen chat kami nagpaparty.
Masarap silang kapiling , ka-bonding , ka-jamming . . .
Saan mo ba gusto iho , iha?
Wag lang sa az kaagad magpunta , madami ka pang dapat malaman . . . Magmasid-masid ka lang muna .
Tingnan mo kung anung kaya kong gawin , mga bagay na batid kong alam mo na .
Kasi nabuhay ako sa panahon ng bc (busy) at sa panahong ito wala kaming pc .
Oo - minahal ko sya , nalibot kong lahat sa kanya .
Nagtatanung lang ako noon eh ,
di sya sumagot kagad . . .
Pero sa dami ng naging kaibigan ko.
"Ikaw naman eh , bakit di mo pa inamin ". . .
Isang palasyo na kami , doon ko lang napagtanto ,
kung saan nakalakip lahat ng pagmamahal mo.
Ituring na nila akong adik ,
Di rin naman ako mahilig sa palakpakan ,
lalung wala akong kakayahan sa pagtulong . . .
"Nahanap ko na ba ang lugar ko saiyo?"
Ang laki pa nga ng ibinigay mo eh .
Pasensya ka na mahal kong symbianize dukha lang ako sa paggitan ng mundo natin ,
ito lang ang paraan ko , para masuklian ang pagmamahal mo .
Maligayang Kaarawan Saiyo Mahal Ko.
Siguro ngayon nagtataka ka pa .
Kung bakit naririto pa rin ako sa tabi nya .
Marami pa akong gustong malaman ,
bukod pa rito ang pagiging mabuti mong kaibigan .
Hindi naman ito basta magwawakas nalang ... Pagkat marami pang mangyayaring pagsasalin ng kaalaman.
Author: ziojmoon_ii
0 comments :
Post a Comment