Bagyong Santi
Sunday, November 1, 2009
|
Kahindik-hindik na talaga ang mga nangyayari sa ating bansa ngayon. Pang-apat na bagyo na si "Santi" na dumalaw sa ating bansa sa loob lamang ng mahigit isang buwan. Kaninang umaga nung papauwi na ako galing trabaho eh nagulat ako dahil biglang nag-brownout. Sobrang dilim sa opisina pero mga computer gumagana. Nabadtrip tuloy ako dahil hindi pa rin ako makakatakas sa mga calls. Nung pagkalabas ko ng building namin, gulat ako dahil sobrang lakas ng hangin. Mga road signs ay nangatumba at mga puno ay nagsasayawan ng "otso-otso". Hindi ko ininda ang hangin at nagsindi pa rin ako ng yosi. Pampainit lang. Nang ako'y pauwi na, ang daming pasahero ang nakaabang ng bus at halos wala pang masakyang bus. Kung merong isang bus, sobrang-sobra pa ito sa sardinas dahil sa sikip. Kaya nag-abang na lang ako ng nag-abang. Nakakatrauma na ang mga nangyayari lalo pa't sabi ni Mama (Mommy ng girlfriend ko), isang pastor, na ang bagyong magsisimula sa letter "S" ang pinakamalakas. Hindi ko lang lubos maisip kung saan niya ito nakuha. Kaya talagang inaabangan namin ito dahil nga nakakatakot daw ito. Pinagbasa pa ako ni Mama ng Bible sa libro ni Jeremiah chapter 47 at 49 tungkol sa mga kalamidad. Sa awa ng Diyos, maayos naman ang aking pag-uwi kanina pero sana, hindi na maulit ang mga nagdaang masasamang pangyayari sa ating bansa.
0 comments :
Post a Comment