Kainan After Flu

Posted by Boffill Sunday, August 23, 2009



Kahapon lang sinundo ako ni Cin sa opisina. Umaga pa lang kahapon, nanlalambing na siya na gusto nya raw kumain ng pizza. Dahil hindi daw siya nakakain sa kanilang opisina, ako ang pinag-initan. Sakay kaming FX papuntang SM Megamall, naghanap ng pizza house. Una sa Sbarro, ayaw nya. Sabi ko, punta na lang kaming Yellow Cab, ayun, nagustuhan nya. Umorder at nagpakasawa. Tatlong pie lang, hindi ko na nakayanan. Hanep sa kainan! Mabuti hindi nabinat si Cin dahil kakagaling nya lang sa Flu. Masarap pala yun. Masarap dun. Gusto ko ulit kumain dun at dalhin ulit si Cin!
-------------

-------------

0 comments :

Post a Comment